South Korea Visa FAQs (Upd. 12/22/2013).

Agent P’s Note:

Nirevise ko po ang page na ito para mas madaling maintindihan ng nakararami at para hindi mahirapang magbasa ang mga walang panahong magbasa. :razz:

IMPORTANT ADVISORY:

THE INFORMATION ON THIS PAGE IS FOR APPLICANTS OF ORDINARY TOURIST VISA FOR PHILIPPINE PASSPORT HOLDERS WHO WILL APPLY AT THE EMBASSY OF SOUTH KOREA IN THE PHILIPPINES ONLY. If you don’t fall under this category, I’m sorry but I am not in a position to answer your query.

PAKIBASA PO MUNA ANG BUONG ARTIKULO BAGO MAG-POST NG TANONG. :smile: Maaari pong ang sagot sa inyong tanong ay nasa Frequently Asked Questions (FAQ) na.

Hindi ko na po sasagutin kung ang tanong ninyo ay: ANO PO ANG REQUIREMENTS PARA MAKAKUHA NG VISA. Meron na pong listahan na nakapost sa website ng South Korea Embassy in the Philippines para sa mga requirements. Mangyaring paki-download at pakibasa po muna ito ng buo.

Hindi ko na rin po sasagutin kung ang tanong ninyo ay:

1. Ano po ang chance ko na mabigyan ng visa?
2. Makakapasa/madedeny po kaya ako?

Hindi ko rin po masasagot kung ang concern ninyo ay:

1. Tungkol sa pagkuha ng student/working/spouse/any kind of visa na hindi tourist;
2. Kung kayo ay may record sa Korean immigration na nag-overstay sa Korea o anumang kaso na maaaring makaapekto sa application ninyo.

EMBASSY LANG PO ANG NAKAKAALAM NG SAGOT SA MGA TANONG NA YAN.

===

FREQUENTLY ASKED QUESTIONS:

1. Ano po ang mga requirements sa pagkuha ng visa sa South Korea?

Iba-iba po ang requirements depende sa credentials ninyo. For the complete list of requirements, please visit this link:

Visa Requirements.

Please take note that the above link is from the Official Website of The South Korean Embassy in the Philippines. Doon po makikita ang tama, kumpleto at updated na impormasyon tungkol sa pagkuha ng visa kung kayo ay Philippine passport holder. Sa website na iyon lang po tayo dapat sumunod at hindi sa iba pang website na maaaring iba ang ibinibigay na impormasyon.

1.a. Original po ba ang documents na isa-submit?

HINDI PO LAHAT. Ang original lang po na kailangan ay ang Certificate of Employment at Bank Certification. Yung iba, photocopy lang po. Bukod po sa dalawang nabanggit sa itaas, HUWAG NA HUWAG PO KAYONG MAGSASUBMIT NG ORIGINAL NA DOKUMENTO LALONG-LALO NA NG MGA LAND TITLE, CAR REGISTRATION, BUSINESS REGISTRATION, etc. DAHIL HINDI NA PO ISOSOLI NG EMBASSY ANG MGA ITO.

1.b. Wala po akong work at hindi rin po ako student. Pwede pa rin po bang mag-apply ng visa?

Pwede po kayong mag-declare na may sponsor o ibang tao ang gagasta para sa trip ninyo. May portion po sa application form kung saan itinatanong nila kung sino ang gagasta sa trip.

Note: hindi po guarantee ito na mabibigyan kayo ng visa. Ang sinasabi ko lang po, kung hindi kayo maka-kumpleto sa requirements, maaari kayong mag-apply through a sponsor.

2.b. Ano pong documents ang isasubmit pag may sponsor?

Same documents rin po ng aplikante, pero nakapangalan sa sponsor + affidavit of support, where applicable (see: FAQ No. 8b).

(For more information, see FAQ No. 8.)

2. Saan po nakakakuha ng form?

a. Pwedeng i-download mula sa website ng South Korea Embassy;
b. Meron ding available sa embassy mismo.

2.a. Ano pong size ng papel ang kailangan sa pagprint ng application form? Mahigpit po ba sila sa size ng papel?

A4 ang nakalagay na size sa form pero payag rin naman sila sa letter size (8.5 x 11)

3. Gaano po katagal ang processing ng tourist visa?

Five working days pag first or second timer; 3 working days sa mga 3rd-timer pataas at mga holder ng visa mula sa OECD-member countries. Maaaring madagdagan kung mag-decide ang embassy na kailangan pa nila ng additional documents mula sa aplikante (note: exception po ito, hindi general rule).

3.a Mga gaano po katagal ang pila sa embassy?

Mabilis lang po. Pinakamatagal na yung 20 minutes kung maraming aplikante at maraming may problema ang papeles.

3.b Saang window po ako dapat pumila, sa Window 1 o Window 3?

Hindi nyo na kailangang ma-stress sa kakaisip kung saang window dapat pumila dahil pagpasok ninyo sa embassy, may screening process muna sa Information Desk sa may pintuan. Sila ang magsasabi sa inyo kung saang window kayo dapat pumila. May mga guards din doon na laging handang mag-assist kung may mga tanong kayo.

4. Balak ko po mag-tour sa Korea sa December. Pwede na po ba akong mag-apply ngayong June?

Hindi pa po, dahil 90 days lang ang validity ng ordinary tourist visa. Pwede rin kayong mag-apply, pero mae-expire din naman bago kayo umalis so sayang naman ang effort, di ba?

Para po malaman kung kailan kayo dapat mag-apply, bumilang lang po kayo ng 90 days mula sa projected date of departure ninyo papuntang South Korea. Kailangan po pasok sa 90 days na iyon ang date ng pagsubmit ninyo ng application sa embassy.

5. May show money po ba? Magkano po?

Wala pong show money sa pagkuha ng South Korea visa. Hindi rin po applicable sa kanila yung mas maraming pera sa bangko, mas garantisadong makakapasa. Mas tinitingnan po ng embassy kung stable ang economic ties natin sa bansa natin (ie., may stable na source of income). May mga cases na po na milyones ang pera sa bangko pero nadedeny, at meron din pong halos pang-grocery lang ang bank balance pero nakapasa.

5a. Pwede po bang gamitin ang payroll account para sa bank certificate?

Pwedeng-pwede po. Ang payroll account po ay isang personal bank account.

6. Wala po akong ITR o Form 2316 kasi online job po ang trabaho ko/self-employed po ako/minimum wage earner po ako/OFW po ako o ang parents o sponsor ng trip ko/maliit na tindahan lang po ang negosyo ko/exempted po sa BIR ang kompanyang pinagtatrabahuhan ko. Paano po yun?

a. OFW ako/parents ko/sponsor ko – Pwede po na ilagay sa COE ninyo o ng sponsor nyo na exempted kayo sa pagbabayad ng income tax sa Pilipinas based on existing laws. O kaya, gumawa kayo ng Income Tax Return at patatakan ninyo ng EXEMPT sa BIR Revenue District Office sa municipio o city hall ninyo. Maaari rin po kayong mag-attach ng kopya ng Overseas Employment Certification mula sa OWWA;

b. Exempted sa BIR ang kompanyang pinagtatrabahuhan ko – ipalagay ninyo sa COE na tax-exempt ang kompanya or organization (state the specific law para mas malinaw);

c. minimum wage earner – same as (a) except for the OWWA certification;

d. online job/self-employed/maliit na negosyo – unless below minimum po ang income ninyo, hindi po kayo exempt sa pagbabayad ng income tax. At kahit zero (Php 0.00) po ang income tax due ninyo (iba po ito sa exempted; ang zero-tax due po, ibig sabihin Php 0.00 po ang tax due na lumabas sa computation ng income tax ninyo) punishable by law din po ang non-filing ng ITR.

Take note: hindi po porket may ITR/Form 2316 ay garantisadong makakapasa. Ang sigurado lang po, pag wala kayong ITR/Form 2316 gayong dapat ay meron, ni hindi po tatanggapin ng embassy ang application ninyo.

6.a Wala po akong Form 2316 kasi wala po akong employer. Paano po yun?

Income Tax Return po ang dapat ninyong isubmit. Ang Form 2316 po ay para lamang sa mga empleyado na iisa lamang ang naging employer sa buong taon, at winithhold na po ng employer ang income tax nya sa buong taon kaya hindi na sya kailangang magfile ng ITR ayon sa BIR regulations (substituted filing po ang tawag dito). Yung Form 2316 na po ang tumatayong ITR nya. Kung ang aplikante ay hindi naman qualified sa substituted filing, natural lang po na wala syang Form 2316. In that case, ITR na po ang dapat na mayroon sya.

6.b. Wala pa po akong ITR/Form 2316 kasi this year lang po ako nag-umpisa sa trabaho. Paano po yun?

Ayos lang po yun. Makikita naman po sa COE ninyo kung kailan kayo nag-umpisa sa work ninyo.

6.c. Bago lang po ako sa current work ko pero nagtrabaho na po ako dati. Ibang kompanya pa po ang nakalagay sa Form 2316 ko. Ok lang po kaya yun?

Ok lang po. Makikita naman po sa COE kung kailan kayo nag-umpisa sa current work ninyo. Kung hahanapan pa rin kayo ng ITR o Form 2316 sa embassy, pwede ninyong subukang humingi sa HR ng kompanyang pinapasukan ninyo ng partial Form 2316. Note: Hindi po lahat ng kompanya ay nagbibigay nito, pero wala naman pong mawawala kung susubukan nyong humingi.

6.d. Sabi po sa embassy mali daw po ang TIN ko. Paano po yun?

I-verify nyo po sa BIR kung tama ba ang TIN ninyo.

6.e. March pa po magiging available ang Form 2316 ko pero kailangan ko na po mag-apply ng January. Pwede po ba na yung ITR/Form2316 ko ng previous year ang isubmit ko?

Pwede po dahil April 15 pa naman ang deadline ng submission ng ITR. Understandable po na maaaring hindi pa available ang latest ITR ng January.

7. Kaka-graduate ko lang po this March kaya wala pa po akong work. Ano po kayang documents ang pwede kong isubmit since wala pa akong ITR at COE at hindi na ako student?

Bukod sa financial documents ng parent or sponsor, pwede rin po kayong mag-attach ng kopya ng diploma or transcript of records bilang kapalit ng enrollment certificate o COE.

8. Kailangan po ba ng separate application form para sa sponsor at mga iisponsoran ng trip? Paano po yung mga supporting documents?

Opo, isang set po ng application form + supporting documents kada aplikante. Pwede po na isang set na nandoon ang mga original, tapos photocopy na lang dun sa iba. Kailangan lang po nakaindicate sa application kung sino ang sponsor ng trip.

8.a Grupo po kami na aalis. Kailangan po ba lahat kami pupunta sa embassy para personal na isubmit ang application?

Hindi naman po. Pwede pong isa na lang ang pumunta, pero mas maganda po na nandoon mismo yung tao para kung may problema, maaaksyunan agad.

8.b. Kailan po kailangan ng affidavit of support?

Kailangan po magsubmit ng affidavit of support kung:

a. Ang child ang sponsor sa trip ng kanyang magulang; o
b. Ang sponsor ay hindi magulang o legal guardian ng aplikante (ie., kapatid, kamag-anak, kaibigan, kakilala, etc. basta hindi magulang o legal guardian).

9. Makakatulong po ba kung ia-attach ko yung airline at hotel booking ko?

Hindi po kasama sa requirements nila ang airline at hotel booking. Inaalis po nila lahat ng dokumento na hindi kasama sa listahan nila.

10. Mas garantisado po bang makakapasa kung ipapa-agency ko ang application ko?

Hindi po. May mga nadedeny rin po sa mga nagpa-agency. Libre lang naman po ang pag-apply, kaya kung hindi rin naman hassle, kayo na lang po ang magsubmit ng application ninyo. Mas masosolusyonan pa po agad kung halimbawang may problema sa application ninyo.

11. Kailangan po ba ng personal appearance sa embassy? May interview po ba? Bakit po yung iba hinihingan ng Meralco bills? Kailangan po ba yun?

Personal appearance is not required. Interview is optional, depende po sa discretion ng consul yun kung sa tingin nya kailangan pa nya interviewhin ang aplikante. Tungkol sa Meralco bills, nasa discretion din po ng consul ito. Hindi lahat ng aplikante ay hinihingan nito. Kung maaayos naman po ang mga basic requirements na isinumbit ninyo, wala po tayong dapat ikabahala.

NOTE: Kung ipapakuha nyo lang po ang passport ninyo sa isang representative, siguraduhin po lamang na dala ng representative ang inyong claim stub. No claim stub, no passport.

12. Strikto po ba sila sa size ng picture sa application? Kailangan po ba white background?

Passport-sized po ang required sa embassy pero pumupwede rin naman ang 2 x 2. Pero as much as possible, sumunod po tayo sa regulasyon nila.

Wala pong requirement tungkol sa kulay ng background.

Basta maayos lang po ang ID picture, pwede po yan. Wag naman yung tipong selca/selfie na naka-Gwiyomi. :grin:

13. Ok lang po ba kung 6 months ago pa yung COE ko? Gaano po katagal dapat na-issue ang Bank certificate/COE?

The general rule is, the nearer to the application date, the better. Pero sa tingin ko po, basta wala namang significant changes sa employment status o bank balance ninyo, ok lang po basta hindi pa super-tagal na na-issue ang COE o bank certification. Importante rin po na updated pa rin ang contact information na nakalagay sa COE o bank certification ninyo para sa verification ng embassy.

14. Tumatawag po ba sila talaga sa kompanya/bangko/BIR para mag-verify?

Ke tumatawag o hindi, i-assume natin palagi na OO, nagbe-verify sila. Kaya kailangan siguraduhin natin na tama at updated lahat ng information na nakalagay sa application natin.

Ang confirmed lang na ginagawa talaga ng SK embassy ay ang i-verify ang ITR/Form 2316 ng aplikante. Marami na po ang nadeny o na-delay ang processing ng application dahil sa iba ang information na ibinigay ng aplikante sa na-verify nila sa BIR.

15. Ano po ang bibilugan ko sa ‘Item No. 14 – Classification’? OF, DP, OR o Others?

Unless po na ang passport natin ay DP-Diplomatic or OF-Official (yung kulay pula), OR-Ordinary (yung kulay maroon) po ang bibilugan natin dito.

16. Ano po ang ilalagay ko sa ‘Address and phone no. in Korea’ kung wala pa po akong nabu-book na hotel/hostel?

Pwede pong maglagay ng random na pangalan ng hotel/hostel, o kaya ‘undecided’.

17. Ano po ang ilalagay sa National ID No.?

N/A (not applicable) po kasi wala po tayong National ID system.

18. Sabi po sa instructions sa Item No. 34: “If you are a spouse or a child under the age of 20 of a person who holds the visa status of Culture and Art(D-1), Student(D-2), General Training(D-4) through Particular Occupation(E-7), fill these blanks.” Kasama ko po ang family ko sa trip pero wala po akong D-1, D-2, D-4 o E-7 visa. Sasagutan ko pa rin po ba yung Item No. 34?

Opo.

19. Ano po ang isasagot ko sa ‘guarantor or reference in Korea’?

Unless po meron kayong invitation mula sa isang Koreano na nasa Korea, ‘n/a’ lang po ang isinasagot dito.

20. I’m a holder of a visa from an OECD country. Sabi sa requirements hindi na raw kailangan ng ITR at bank certificate pag may OECD visa. Kailangan ko pa rin bang mag-submit nito?

Optional na lang po ito sa OECD visa holders. Pero kung meron ka namang dala, isubmit mo na rin para hindi naman masayang ang effort. :smile:

Important UPDATE: May bagong issuance po ang South Korea embassy. Required na po uli ang bank certificate sa mga may visa from OECD-member country(ies). ITR na lang po ang optional. Refer to the official website of the South Korea embassy – Topic No. 11 dated November 28, 2013 “Updated Requirements for Frequent Travelers” for more details.

21. Kung madeny ako, kelan ako pwedeng mag-apply ulit? Pwede bang mag-file ng appeal pag nadeny?

After six months po pwedeng mag-apply uli. Maliban na lang po kung importanteng-importante ang dahilan ng pagpunta ninyo sa Korea, pwede pong mag-file ng appeal pero malamang po hindi ito pagbibigyan ng embassy.

21.a. Nagamit ko na yung visa ko pero babalik uli ako sa Korea agad-agad. Pwede na ba ako mag-apply uli kahit kakagamit ko lang nung visa? Hindi kaya magkaproblema ang application ko?

Wala naman pong rule na bawal mag-apply agad-agad pagkagamit ng visa. Mas magkakaproblema po kayo kung babalik kayo sa Korea ng walang visa gayong dapat ay meron.

21.b. Nabigyan ako ng visa pero hindi ko nagamit. Pag nag-apply ba ako ulit, madedeny ba ako dahil hindi ko ginamit yung visa?

Hindi naman po. They won’t take it against the applicant kung hindi nya nagamit ang visa nya.

Upd – October 7, 2013:

Ayon sa mga bagong nag-apply na hindi nagamit ang previous SK visa nila (most recent), nirerequire na raw ngayon ng South Korea embassy na mag-apply ng 90-day visa (may bayad na php1,350) ang aplikante pag hindi nya nagamit ang nakaraang visa na ibinigay sa kanya. Ito raw ay para masiguro na gagamitin nya ang visa nya dahil ayon daw sa research ng embassy, mas marami ang aplikanteng nabigyan ng visa pero hindi ginamit. Nade-defeat daw ang purpose ng pagluluwag nila sa visa requirements. Gayunpaman, hindi pa malinaw ang policy ng embassy tungkol dito kaya may mga aplikante na may previous visa na hindi ginamit (isa na po ako doon) pero hindi naman nirequire na kumuha ng 90-day visa. Ina-assume pa lang po natin sa ngayon na ang rule ay para doon sa mga aplikante na hindi ginamit ang pinakahuling SK visa na ibinigay sa kanila.

Kung ikaw ay nabigyan na dati ng visa pero hindi mo nagamit at maga-apply ka ulit ngayon, makabubuting maghanda ng php1,350 just in case na irequire ka ng embassy na magbayad para sa 90-day visa.

22. Nagresign na po ako sa trabaho. Pwede ko po bang i-attach ang COE ko na galing sa dati kong work?

Hindi po. Ang sine-certify po ng COE o Certificate of Employment ay kasalukuyan kayong nagta-trabaho sa kompanyang iyon. Kung resigned na po kayo, hindi na po pwedeng i-submit ang COE ng previous employer dahil pag tumawag ang embassy doon, ang isasagot sa kanila ng kompanya, hindi kayo employed doon. Magiging misleading na po ang information na ibinigay ninyo sa embassy at siguradong made-deny kayo. Ang tawag po sa dokumento na galing sa previous employer na pwede ninyong isubmit sa embassy ay service record kung saan nakasaad na kayo ay nagtrabaho sa kanila sa ganitong period/petsa. Hindi po COE.

23. Sabi po sa embassy, bawal mag-apply ng visa ang unemployed o walang business. Totoo po ba ito? / May work po ako ngayon pero by the time na maga-apply ako ng visa, end of contract na po ako so wala na po akong trabaho. Ano po ang pwede kong gawin para makapag-apply ng visa?

Ang una po kasing tinitingnan ng consul sa mga aplikante ay kung may ‘strong economic ties to the home country’ siya. Ang ibig sabihin po nito, hindi lang po inaalam ng embassy kung kaya ng aplikante na tustusan ang pagbabakasyon sa Korea kundi sinisiguro rin nila na hindi magti-TNT o may sapat na dahilan ang aplikante para hindi sya mag-overstay sa Korea. Alam ko po na medyo unfair ito lalo na sa mga turista na totoong bakasyon lang naman ang purpose ng pagpunta sa Korea, pero wala po tayong magagawa dahil marami naman talaga sa mga kababayan natin ang hindi na umuwi at illegal na nagtatrabaho doon.

Ang pinaka-basic po na dokumento na magpapatunay ng ating strong economic ties to our mother country ay ang Certificate of Employment o business registration. Kung wala po tayo nito, mas mahirap para sa embassy na makumbinsi na may dahilan tayo para bumalik pa sa Pilipinas o sa kung saang bansa man tayo naninirahan sa kasalukuyan.

Gayunpaman, hindi naman po nangangahulugan na bawal na mag-apply ang mga walang trabaho o walang pinagkakakitaan. Maaari din naman pong sundin ang payo sa FAQ No. 22, o di kaya ay mag-submit ng tinatawag na ‘alternative documents’. Nakalista po sa requirements file na mada-download sa embassy website kung ano-ano ang mga dokumentong pwedeng ipalit kung wala tayong COE o business registration.

===

MGA DAPAT TANDAAN SA PAGKUHA NG SOUTH KOREA VISA:

1. Siguraduhin po na walang bura (erasures) ang application form at maayos ang pagkakasulat. Partikular po ang Korean embassy sa kaayusan ng ating application form. Huwag na huwag rin po nating lalagyan ng bura or alteration ang ating mga supporting documents. Nagkakaroon po ng duda kapag may mga bura o alteration sa mga dokumento. Siguruhin din po na may sagot ang lahat ng blanks sa application form. Sa mga items na hindi natin masasagot o wala talagang sagot (eg., “Name of spouse” para sa mga single), N/A o not applicable po ang ilalagay natin.

2. Tumatanggap po ng application ang South Korea embassy from 9:00-11:00am, Mondays-Fridays. Ang releasing naman po ay mula 2:00-4:00pm. Mahigpit po nilang sinusunod ang hours of operation kaya sundin rin po natin.

3. Huwag po tayong mag-atubili na magtanong sa Information Desk o sa mga guards sa embassy kung meron po tayong kailangang malaman. Accommodating po sila sa concerns ng mga aplikante.

4. Ayusin po natin ang order ng supporting documents base sa listahan ng requirements na galing sa embassy.

5. Maging specific po tayo sa pagsagot sa “Purpose of Travel”. Hindi naman po kailangang ilista ang buong itinerary. Kailangan lang po yung at first glance ay makikita agad ng consul kung ano talaga ang gagawin natin sa Korea. Kahit po simpleng “vacation” or “holiday”, pwede na po (pero huwag po nating ilalagay na purpose ay “to travel”, nadedeny po pag yun ang inilagay).

2,453 thoughts on “South Korea Visa FAQs (Upd. 12/22/2013).

  1. It’s the only option she’s got kasi e. So yeah, I think we’ll try and go for it nalang. Thank you! :thumbup:

  2. good day AgentP! i was requested by the embassy to provide my previous employment contract letter since wala ako maipakitang COE other than salary certificate. is that enough para ma-prove na nagwork ako in my previous company? although sila ang nagrequest, & I already provided them.. thanks!

  3. im hoping too AgentP! di kasi nila maintindihan Salary Cert ko coz that document was in pure Arabic :-D… thanks a lot!

  4. This might sound a bit weird but I read somewhere that for the application photo there should be “no teeth and no facial expression”? Is this correct?

  5. Hi Agent P! I already got the permit to travel for my minor sister, Do we have to show it to the korean embassy upon applying for visa? Thanks! Have a good day! :) :thumbup:

  6. hello po, may specific po ba natawag sa korean tourist visa? di po ba may A, B, C series po yun? Thanks po!

  7. thank you po, so ibig sabihin po ba B2 po ang tourist visa? pasensya na po kung ito pati po ito ay tinatanong ko po, nagsisigurado lang po hehe. pero let me thank you for the very informative posts po ninyo, and for taking time to answer questions from us.. God bless po. Hope to process our visa successfully ;)

  8. Agent P, I heard that the Embassy can be a little OC, so im asking this question which may sound funny hah.. (deep breath) where do i print the application form, a4 or short bond paper size? TIA

  9. Thank you po. I may come back to ask again po ha, THank you for taking time to answer our questions. we are glad to have you ;) God bless po!

  10. Good day agentP. Ask ko lang po if maapprove ba ang visa ko kahit nag-awol ako sa last employer ko sa middle east? although accepted nako ng company sa south korea as my sponsor. Ano pa po bang ibang supporting docs ang pedeng ipresent? Tnx

  11. robert: I’m guessing hindi tourist visa ang aaplyan mo? Sorry, hindi ko po alam ang proseso sa ibang visa. Also, embassy lang ang nakakaalam kung maaapprove ba o hindi.

  12. employee visa po ang applyan ko agentP. ang purpose lang po ba ng certificate of employment ay malaman kung talagang nagwork ka sa last company mo? Di po kasi ako binigyan ng coe, but if the embassy ask for supporting docs i can present them. i appreciate ur immediate response, tnx!

  13. robert: As I’ve said, hindi ako familiar sa employment visa. Tourist visa lang ang kaya kong sagutin. Hindi ko alam ang requirements sa working visa.

    Sa tourist visa, kailangan ng COE para ma-prove na may trabaho ka sa kasalukuyan kaya may babalikan ka pa at may pagkukunan ka ng panggastos sa pagtu-tour mo.

  14. Hi AgentP, just want to ask your impression and chances that I can get in applying Korean Visa

    Here are my details:
    1. No previous travel abroad
    2. Minimum wage earner (i already have a 2316 form with me for year 2012) does it have to have stamp ba ng BIR na tax exempt? And CTC?
    no.and amount?
    3.Money in the bank: 30k (Although Sep.pa ang target travel date ko)
    4. 2 years working
    5. assistant secreatary /accounting in a family owned corporation
    6. Can provide coe (kelangan bang imention na minimum wage earner)
    7. My purpose of entry to Korea is everything you have mentioned above, hehe..

    I hope you can help me with this, I so love Korea! Thanks in advance..
    8. Will stay there by Sep.1-5

  15. Micky Lee I don’t know your chances; I’m not from the SK embassy.

    2 – no need. What you have to ensure is if you have the correct TIN on the 2316
    6 – just indicate your total annual compensation as stated on the requirements list

  16. My maiden name / single status is reflected in BIR but my ITR shows married name. I read one comment here saying that marital status was the reason his friend got denied. I think it takes 10 days (?!) to change name / marital status in BIR. It’s only a month away from my planned trip so I may not have much time left if I request for name/status update. But then I also checked with embassy and was told to bring marriage cert from NSO. Which is which? How reliable are the ones who answer queries at the embassy? (Btw, posted this at Pex too)

  17. Tricia: Personally, I feel that I am not qualified to answer your queries because 1. I’m not married, so I never encountered such a problem; and 2. I haven’t had the experience of calling the embassy to inquire about something. Unfortunately, the ones who posted here nor in Pex who had the same problem never went back to tell how they rectified the situation (assuming they were able to).

  18. hello AgentP! i am really really REALLY nervous if my visa can be granted.
    1. i am a student travelling with my friend’s family
    2. no experience in travelling abroad
    3. both my parents are deceased(not married) and there is no court order for my legal guardian
    4. my uncle serves as my legal guardian (we made an affidavit for that already)
    what else do i do? :(
    :aargh:

  19. annie de guzman: I wouldn’t know because I don’t know what papers you submitted and the purpose that you indicated on your application.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

;) :yuck: :whoa: :whee!: :wall: :wacky: :tounge: :thumbup: :thumbdown: :think: :stretcher: :sshh: :spam: :soju: :smile: :sleep: :slaphead: :shutup: :shrug: :shock: :scholar: :sad: :rotflmao: :rolleyes: :roll: :razz: :rakenrol: :pray: :phew: :party: :oops: :offtopic: :nyenyenye: :nyenye2: :notalk: :nono: :neutral: :naughty: :nailbite: :mrgreen: :mic: :lol: :lmao: :kilay: :idea: :hug: :hopeless: :hmf: :hihihi: :grin: :glee: :flaming: :evil: :err: :ehh: :eek: :drool: :drool2: :dream: :dizzy: :dance: :cry: :confused: :clap: :cheer: :chair: :bop: :boinkself: :blink: :belat: :ayaw: :asar: :arrow: :angry: :angel: :ampotah: :alien: :aargh: :P :D :?: 8)

You can add images to your comment by clicking here.