South Korea Visa FAQs

(Updated 2/17/2015)

Agent P’s Note:

Nirevise ko po ang page na ito para mas madaling maintindihan ng nakararami at para hindi mahirapang magbasa ang mga walang panahong magbasa. :razz:

IMPORTANT ADVISORY:

THE INFORMATION ON THIS PAGE IS FOR APPLICANTS OF ORDINARY TOURIST VISA FOR PHILIPPINE PASSPORT HOLDERS WHO WILL APPLY AT THE EMBASSY OF SOUTH KOREA IN THE PHILIPPINES ONLY. If you don’t fall under this category, I’m sorry but I am not in a position to answer your query.

PAKIBASA PO MUNA ANG BUONG ARTIKULO BAGO MAG-POST NG TANONG. :smile: Maaari pong ang sagot sa inyong tanong ay nasa Frequently Asked Questions (FAQ) na.

Hindi ko na po sasagutin kung ang tanong ninyo ay: ANO PO ANG REQUIREMENTS PARA MAKAKUHA NG VISA. Meron na pong listahan na nakapost sa website ng South Korea Embassy in the Philippines para sa mga requirements. Mangyaring pakibasa po muna ito ng buo.

Hindi ko po masasagot kung ang tanong ninyo ay:

1. Ano po ang chance ko na mabigyan ng visa?
2. Makakapasa/madedeny po kaya ako?
3. Ok lang po ba…/mas maganda po kaya kung…/mas malaki po ba ang chance ko kung…/makakatulong po kaya kung…

Hindi ko rin po masasagot kung ang concern ninyo ay:

1. Tungkol sa pagkuha ng student/working/spouse/any kind of visa na hindi tourist;
2. Kung kayo ay may record sa Korean immigration na nag-overstay sa Korea o anumang kaso na maaaring makaapekto sa application ninyo.

EMBASSY LANG PO ANG NAKAKAALAM NG SAGOT SA MGA TANONG NA YAN.

===

FREQUENTLY ASKED QUESTIONS:

1. Ano po ang mga requirements sa pagkuha ng visa sa South Korea?

Iba-iba po ang requirements depende sa credentials ninyo. For the complete list of requirements, please visit this link:

Official Website of the South Korea Embassy in the Philippines (English site) >>Consular/Visa Service >> Visa Requirements.

Please take note that the above link is from the Official Website of The South Korean Embassy in the Philippines. Doon po makikita ang tama, kumpleto at updated na impormasyon tungkol sa pagkuha ng visa kung kayo ay Philippine passport holder. Sa website na iyon lang po tayo dapat sumunod at hindi sa iba pang website na maaaring iba ang ibinibigay na impormasyon.

Important Update, 02/17/2015:

Mayroon na pong bagong rules ang embassy para sa mga Employees (screencapped from the official SK Embassy website).

newvisareq

Sa mga nagtatanong kung applicable po ba ito sa lahat, pati sa mga OECD-member visa holders, narito po ang sagot ng Embassy sa kanilang Facebook page:

“Hello, the new requirements are the expanded version of the previous one, with the (photocopy of) valid OECD visa/s being one of the many other requirements for the tourist visa applications.”

Source

1.a. Original po ba ang documents na isa-submit?

HINDI PO LAHAT. Ang original lang po na kailangan ay ang Certificate of Employment at Bank Certification. Yung iba, photocopy lang po. Bukod po sa dalawang nabanggit sa itaas, HUWAG NA HUWAG PO KAYONG MAGSASUBMIT NG ORIGINAL NA DOKUMENTO LALONG-LALO NA NG MGA LAND TITLE, CAR REGISTRATION, BUSINESS REGISTRATION, etc. DAHIL HINDI NA PO ISOSOLI NG EMBASSY ANG MGA ITO.

1.b. Wala po akong work at hindi rin po ako student. Pwede pa rin po bang mag-apply ng visa?

Pwede po kayong mag-declare na may sponsor o ibang tao ang gagasta para sa trip ninyo. May portion po sa application form kung saan itinatanong nila kung sino ang gagasta sa trip.

Note: hindi po guarantee ito na mabibigyan kayo ng visa. Ang sinasabi ko lang po, kung hindi kayo maka-kumpleto sa requirements, maaari kayong mag-apply through a sponsor.

1.c. Ano pong documents ang isasubmit pag may sponsor?

Same documents rin po ng aplikante, pero nakapangalan sa sponsor + affidavit of support, where applicable (see: FAQ No. 8b). Kailangan rin po ng proof of relationship (example: kopya ng birth certificate).

(For more information, see FAQ No. 8.)

2. Saan po nakakakuha ng form?

a. Pwedeng i-download mula sa website ng South Korea Embassy;
b. Meron ding available sa embassy mismo.

2.a. Ano pong size ng papel ang kailangan sa pagprint ng application form? Mahigpit po ba sila sa size ng papel?

A4 ang nakalagay na size sa form pero payag rin naman sila sa letter size (8.5 x 11)

3. Gaano po katagal ang processing ng tourist visa?

Five working days pag first or second timer; 3 working days sa mga 3rd-timer pataas at mga holder ng visa mula sa OECD-member countries. Maaaring madagdagan kung mag-decide ang embassy na kailangan pa nila ng additional documents mula sa aplikante (note: exception po ito, hindi general rule).

3.a Mga gaano po katagal ang pila sa embassy?

Mabilis lang po. Pinakamatagal na yung 20 minutes kung maraming aplikante at maraming may problema ang papeles.

3.b Saang window po ako dapat pumila, sa Window 1 o Window 3?

Hindi nyo na kailangang ma-stress sa kakaisip kung saang window dapat pumila dahil pagpasok ninyo sa embassy, may screening process muna sa Information Desk sa may pintuan. Sila ang magsasabi sa inyo kung saang window kayo dapat pumila. May mga guards din doon na laging handang mag-assist kung may mga tanong kayo.

4. Balak ko po mag-tour sa Korea sa December. Pwede na po ba akong mag-apply ngayong June?

Hindi pa po, dahil 90 days lang ang validity ng ordinary tourist visa. Pwede rin kayong mag-apply, pero mae-expire din naman bago kayo umalis so sayang naman ang effort, di ba?

Para po malaman kung kailan kayo dapat mag-apply, bumilang lang po kayo ng 90 days mula sa projected date of departure ninyo papuntang South Korea. Kailangan po pasok sa 90 days na iyon ang date ng pagsubmit ninyo ng application sa embassy.

5. May show money po ba? Magkano po?

Wala pong show money sa pagkuha ng South Korea visa. Hindi rin po applicable sa kanila yung mas maraming pera sa bangko, mas garantisadong makakapasa. Mas tinitingnan po ng embassy kung stable ang economic ties natin sa bansa natin (ie., may stable na source of income). May mga cases na po na milyones ang pera sa bangko pero nadedeny, at meron din pong halos pang-grocery lang ang bank balance pero nakapasa.

5a. Pwede po bang gamitin ang payroll account para sa bank certificate?

Pwedeng-pwede po. Ang payroll account po ay isang personal bank account.

6. Wala po akong ITR o Form 2316 kasi online job po ang trabaho ko/self-employed po ako/minimum wage earner po ako/OFW po ako o ang parents o sponsor ng trip ko/maliit na tindahan lang po ang negosyo ko/exempted po sa BIR ang kompanyang pinagtatrabahuhan ko. Paano po yun?

a. OFW ako/parents ko/sponsor ko – Pwede po na ilagay sa COE ninyo o ng sponsor nyo na exempted kayo sa pagbabayad ng income tax sa Pilipinas based on existing laws. O kaya, gumawa kayo ng Income Tax Return at patatakan ninyo ng EXEMPT sa BIR Revenue District Office sa municipio o city hall ninyo. Maaari rin po kayong mag-attach ng kopya ng Overseas Employment Certification mula sa OWWA;

b. Exempted sa BIR ang kompanyang pinagtatrabahuhan ko – ipalagay ninyo sa COE na tax-exempt ang kompanya or organization (state the specific law para mas malinaw);

c. minimum wage earner – same as (a) except for the OWWA certification;

d. online job/self-employed/maliit na negosyo – unless below minimum po ang income ninyo, hindi po kayo exempt sa pagbabayad ng income tax. At kahit zero (Php 0.00) po ang income tax due ninyo (iba po ito sa exempted; ang zero-tax due po, ibig sabihin Php 0.00 po ang tax due na lumabas sa computation ng income tax ninyo) punishable by law din po ang non-filing ng ITR.

Take note: hindi po porket may ITR/Form 2316 ay garantisadong makakapasa. Ang sigurado lang po, pag wala kayong ITR/Form 2316 gayong dapat ay meron, ni hindi po tatanggapin ng embassy ang application ninyo.

6.a Wala po akong Form 2316 kasi wala po akong employer. Paano po yun?

Income Tax Return po ang dapat ninyong isubmit. Ang Form 2316 po ay para lamang sa mga empleyado na iisa lamang ang naging employer sa buong taon, at winithhold na po ng employer ang income tax nya sa buong taon kaya hindi na sya kailangang magfile ng ITR ayon sa BIR regulations (substituted filing po ang tawag dito). Yung Form 2316 na po ang tumatayong ITR nya. Kung ang aplikante ay hindi naman qualified sa substituted filing, natural lang po na wala syang Form 2316. In that case, ITR na po ang dapat na mayroon sya.

6.b. Wala pa po akong ITR/Form 2316 kasi this year lang po ako nag-umpisa sa trabaho. Paano po yun?

Ayos lang po yun. Makikita naman po sa COE ninyo kung kailan kayo nag-umpisa sa work ninyo.

6.c. Bago lang po ako sa current work ko pero nagtrabaho na po ako dati. Ibang kompanya pa po ang nakalagay sa Form 2316 ko. Ok lang po kaya yun?

Ok lang po. Makikita naman po sa COE kung kailan kayo nag-umpisa sa current work ninyo. Kung hahanapan pa rin kayo ng ITR o Form 2316 sa embassy, pwede ninyong subukang humingi sa HR ng kompanyang pinapasukan ninyo ng partial Form 2316. Note: Hindi po lahat ng kompanya ay nagbibigay nito, pero wala naman pong mawawala kung susubukan nyong humingi.

6.d. Sabi po sa embassy mali daw po ang TIN ko. Paano po yun?

I-verify nyo po sa BIR kung tama ba ang TIN ninyo.

6.e. March pa po magiging available ang Form 2316 ko pero kailangan ko na po mag-apply ng January. Pwede po ba na yung ITR/Form2316 ko ng previous year ang isubmit ko?

Pwede po dahil April 15 pa naman ang deadline ng submission ng ITR. Understandable po na maaaring hindi pa available ang latest ITR ng January.

7. Kaka-graduate ko lang po this March kaya wala pa po akong work. Ano po kayang documents ang pwede kong isubmit since wala pa akong ITR at COE at hindi na ako student?

Bukod sa financial documents ng parent or sponsor, pwede rin po kayong mag-attach ng kopya ng diploma or transcript of records bilang kapalit ng enrollment certificate o COE.

8. Kailangan po ba ng separate application form para sa sponsor at mga iisponsoran ng trip? Paano po yung mga supporting documents?

Opo, isang set po ng application form + supporting documents kada aplikante. Pwede po na isang set na nandoon ang mga original, tapos photocopy na lang dun sa iba. Kailangan lang po nakaindicate sa application kung sino ang sponsor ng trip.

8.a Grupo po kami na aalis. Kailangan po ba lahat kami pupunta sa embassy para personal na isubmit ang application?

Hindi naman po. Pwede pong isa na lang ang pumunta, pero mas maganda po na nandoon mismo yung tao para kung may problema, maaaksyunan agad.

8.b. Kailan po kailangan ng affidavit of support?

Kailangan po magsubmit ng affidavit of support kung:

a. Ang child ang sponsor sa trip ng kanyang magulang; o
b. Ang sponsor ay hindi magulang o legal guardian ng aplikante (ie., kapatid, kamag-anak, kaibigan, kakilala, etc. basta hindi magulang o legal guardian).

9. Makakatulong po ba kung ia-attach ko yung airline at hotel booking ko?

Hindi po kasama sa requirements nila ang airline at hotel booking. Inaalis po nila lahat ng dokumento na hindi kasama sa listahan nila.

10. Mas garantisado po bang makakapasa kung ipapa-agency ko ang application ko?

Hindi po. May mga nadedeny rin po sa mga nagpa-agency. Libre lang naman po ang pag-apply, kaya kung hindi rin naman hassle, kayo na lang po ang magsubmit ng application ninyo. Mas masosolusyonan pa po agad kung halimbawang may problema sa application ninyo.

11. Kailangan po ba ng personal appearance sa embassy? May interview po ba? Bakit po yung iba hinihingan ng Meralco bills? Kailangan po ba yun?

Personal appearance is not required. Interview is optional, depende po sa discretion ng consul yun kung sa tingin nya kailangan pa nya interviewhin ang aplikante. Tungkol sa Meralco bills, nasa discretion din po ng consul ito. Hindi lahat ng aplikante ay hinihingan nito. Kung maaayos naman po ang mga basic requirements na isinumbit ninyo, wala po tayong dapat ikabahala.

NOTE: Kung ipapakuha nyo lang po ang passport ninyo sa isang representative, siguraduhin po lamang na dala ng representative ang inyong claim stub. No claim stub, no passport.

12. Strikto po ba sila sa size ng picture sa application? Kailangan po ba white background?

Passport-sized po ang required sa embassy pero pumupwede rin naman ang 2 x 2. Pero as much as possible, sumunod po tayo sa regulasyon nila.

Wala pong requirement tungkol sa kulay ng background.

Basta maayos lang po ang ID picture, pwede po yan. Wag naman yung tipong selca/selfie na naka-Gwiyomi. :grin:

13. Ok lang po ba kung 6 months ago pa yung COE ko? Gaano po katagal dapat na-issue ang Bank certificate/COE?

[Updated] Ayon po sa bagong notice ng South Korea embassy, simula sa March 1, 2015, ang tatanggapin po nilang COE at bank certificate ay na-issue ng hindi hihigit sa tatlong buwan (3 months) mula sa date ng inyong application.

14. Tumatawag po ba sila talaga sa kompanya/bangko/BIR para mag-verify?

Ke tumatawag o hindi, i-assume natin palagi na OO, nagbe-verify sila. Kaya kailangan siguraduhin natin na tama at updated lahat ng information na nakalagay sa application natin.

Ang confirmed lang na ginagawa talaga ng SK embassy ay ang i-verify ang ITR/Form 2316 ng aplikante. Marami na po ang nadeny o na-delay ang processing ng application dahil sa iba ang information na ibinigay ng aplikante sa na-verify nila sa BIR.

15. Ano po ang bibilugan ko sa ‘Item No. 14 – Classification’? OF, DP, OR o Others?

Unless po na ang passport natin ay DP-Diplomatic or OF-Official (yung kulay pula), OR-Ordinary (yung kulay maroon) po ang bibilugan natin dito.

16. Ano po ang ilalagay ko sa ‘Address and phone no. in Korea’ kung wala pa po akong nabu-book na hotel/hostel?

Pwede pong maglagay ng random na pangalan ng hotel/hostel, o kaya ‘undecided’.

17. Ano po ang ilalagay sa National ID No.?

N/A (not applicable) po kasi wala po tayong National ID system.

18. Sabi po sa instructions sa Item No. 34: “If you are a spouse or a child under the age of 20 of a person who holds the visa status of Culture and Art(D-1), Student(D-2), General Training(D-4) through Particular Occupation(E-7), fill these blanks.” Kasama ko po ang family ko sa trip pero wala po akong D-1, D-2, D-4 o E-7 visa. Sasagutan ko pa rin po ba yung Item No. 34?

Opo.

19. Ano po ang isasagot ko sa ‘guarantor or reference in Korea’?

Unless po meron kayong invitation mula sa isang Koreano na nasa Korea, ‘n/a’ lang po ang isinasagot dito.

20. I’m a holder of a visa from an OECD country. Sabi sa requirements hindi na raw kailangan ng ITR at bank certificate pag may OECD visa. Kailangan ko pa rin bang mag-submit nito?

Optional na lang po ito sa OECD visa holders. Pero kung meron ka namang dala, isubmit mo na rin para hindi naman masayang ang effort. :smile:

Important UPDATE: May bagong issuance po ang South Korea embassy. Required na po uli ang bank certificate sa mga may visa from OECD-member country(ies). ITR na lang po ang optional. Refer to the official website of the South Korea embassy – Topic No. 11 dated November 28, 2013 “Updated Requirements for Frequent Travelers” for more details.

21. Kung madeny ako, kelan ako pwedeng mag-apply ulit? Pwede bang mag-file ng appeal pag nadeny?

After six months po pwedeng mag-apply uli. Maliban na lang po kung importanteng-importante ang dahilan ng pagpunta ninyo sa Korea, pwede pong mag-file ng appeal pero malamang po hindi ito pagbibigyan ng embassy.

21.a. Nagamit ko na yung visa ko pero babalik uli ako sa Korea agad-agad. Pwede na ba ako mag-apply uli kahit kakagamit ko lang nung visa? Hindi kaya magkaproblema ang application ko?

Wala naman pong rule na bawal mag-apply agad-agad pagkagamit ng visa. Mas magkakaproblema po kayo kung babalik kayo sa Korea ng walang visa gayong dapat ay meron.

21.b. Nabigyan ako ng visa pero hindi ko nagamit. Pag nag-apply ba ako ulit, madedeny ba ako dahil hindi ko ginamit yung visa?

Hindi naman po. They won’t take it against the applicant kung hindi nya nagamit ang visa nya.

Upd – October 7, 2013:

Ayon sa mga bagong nag-apply na hindi nagamit ang previous SK visa nila (most recent), nirerequire na raw ngayon ng South Korea embassy na mag-apply ng 90-day visa (may bayad na php1,350) ang aplikante pag hindi nya nagamit ang nakaraang visa na ibinigay sa kanya. Ito raw ay para masiguro na gagamitin nya ang visa nya dahil ayon daw sa research ng embassy, mas marami ang aplikanteng nabigyan ng visa pero hindi ginamit. Nade-defeat daw ang purpose ng pagluluwag nila sa visa requirements. Gayunpaman, hindi pa malinaw ang policy ng embassy tungkol dito kaya may mga aplikante na may previous visa na hindi ginamit (isa na po ako doon) pero hindi naman nirequire na kumuha ng 90-day visa. Ina-assume pa lang po natin sa ngayon na ang rule ay para doon sa mga aplikante na hindi ginamit ang pinakahuling SK visa na ibinigay sa kanila.

Kung ikaw ay nabigyan na dati ng visa pero hindi mo nagamit at maga-apply ka ulit ngayon, makabubuting maghanda ng php1,350 just in case na irequire ka ng embassy na magbayad para sa 90-day visa.

22. Nagresign na po ako sa trabaho. Pwede ko po bang i-attach ang COE ko na galing sa dati kong work?

Hindi po. Ang sine-certify po ng COE o Certificate of Employment ay kasalukuyan kayong nagta-trabaho sa kompanyang iyon. Kung resigned na po kayo, hindi na po pwedeng i-submit ang COE ng previous employer dahil pag tumawag ang embassy doon, ang isasagot sa kanila ng kompanya, hindi kayo employed doon. Magiging misleading na po ang information na ibinigay ninyo sa embassy at siguradong made-deny kayo. Ang tawag po sa dokumento na galing sa previous employer na pwede ninyong isubmit sa embassy ay service record kung saan nakasaad na kayo ay nagtrabaho sa kanila sa ganitong period/petsa. Hindi po COE.

23. Sabi po sa embassy, bawal mag-apply ng visa ang unemployed o walang business. Totoo po ba ito? / May work po ako ngayon pero by the time na maga-apply ako ng visa, end of contract na po ako so wala na po akong trabaho. Ano po ang pwede kong gawin para makapag-apply ng visa?

Ang una po kasing tinitingnan ng consul sa mga aplikante ay kung may ‘strong economic ties to the home country’ siya. Ang ibig sabihin po nito, hindi lang po inaalam ng embassy kung kaya ng aplikante na tustusan ang pagbabakasyon sa Korea kundi sinisiguro rin nila na hindi magti-TNT o may sapat na dahilan ang aplikante para hindi sya mag-overstay sa Korea. Alam ko po na medyo unfair ito lalo na sa mga turista na totoong bakasyon lang naman ang purpose ng pagpunta sa Korea, pero wala po tayong magagawa dahil marami naman talaga sa mga kababayan natin ang hindi na umuwi at illegal na nagtatrabaho doon.

Ang pinaka-basic po na dokumento na magpapatunay ng ating strong economic ties to our mother country ay ang Certificate of Employment o business registration. Kung wala po tayo nito, mas mahirap para sa embassy na makumbinsi na may dahilan tayo para bumalik pa sa Pilipinas o sa kung saang bansa man tayo naninirahan sa kasalukuyan.

Gayunpaman, hindi naman po nangangahulugan na bawal na mag-apply ang mga walang trabaho o walang pinagkakakitaan. Maaari din naman pong sundin ang payo sa FAQ No. 22, o di kaya ay mag-submit ng tinatawag na ‘alternative documents’. Nakalista po sa requirements file na mada-download sa embassy website kung ano-ano ang mga dokumentong pwedeng ipalit kung wala tayong COE o business registration.

===

MGA DAPAT TANDAAN SA PAGKUHA NG SOUTH KOREA VISA:

1. Siguraduhin po na walang bura (erasures) ang application form at maayos ang pagkakasulat. Partikular po ang Korean embassy sa kaayusan ng ating application form. Huwag na huwag rin po nating lalagyan ng bura or alteration ang ating mga supporting documents. Nagkakaroon po ng duda kapag may mga bura o alteration sa mga dokumento. Siguruhin din po na may sagot ang lahat ng blanks sa application form. Sa mga items na hindi natin masasagot o wala talagang sagot (eg., “Name of spouse” para sa mga single), N/A o not applicable po ang ilalagay natin.

2. Tumatanggap po ng application ang South Korea embassy from 9:00-11:00am, Mondays-Fridays. Ang releasing naman po ay mula 2:00-4:00pm. Mahigpit po nilang sinusunod ang hours of operation kaya sundin rin po natin.

3. Huwag po tayong mag-atubili na magtanong sa Information Desk o sa mga guards sa embassy kung meron po tayong kailangang malaman. Accommodating po sila sa concerns ng mga aplikante.

4. Ayusin po natin ang order ng supporting documents base sa listahan ng requirements na galing sa embassy.

5. Maging specific po tayo sa pagsagot sa “Purpose of Travel”. Hindi naman po kailangang ilista ang buong itinerary. Kailangan lang po yung at first glance ay makikita agad ng consul kung ano talaga ang gagawin natin sa Korea. Kahit po simpleng “vacation” or “holiday”, pwede na po (pero huwag po nating ilalagay na purpose ay “to travel”, nadedeny po pag yun ang inilagay).

2,939 comments

  1. Hi Agent P!
    Thank you for ur tips and advice! Very helpful talaga. ;) Gusto ko lang din po sana magtanung.. Isa po akong OFW dito sa Malaysia.

    1. Ok lang po ba sa Pinas ako mag-apply ng visa , during my vacation leave since mas mahigpit dito ang embassy sa requirements,but our trip would be from here to korea not from the Philippines. Dito kasi They really require an invitation letter which is di talaga namin mapo-provide coz we’re just in for the holidays and we really dont have any korean friends.

    2. Ok lang po ba mag submit ng Copy Of Employment Contract instead po na COE. Kasi di po sila nagiissue nun unless ur aleady requested after u resigned. They may suspect na di na kami babalik.. or AWOL.

    3. Di ko po kc sure kung ok lang po ba ilagay dun sa Accompanying Family Section ang pangalan ng fiancee`ko. Di din po kc ako sure kung mai consider ba yun.. baka talagang family/relatives lang tlga ang pwede. Gusto ko lang po kc sana magbigay ng hint na im not alone on this trip.

    Thank you so much po for your time.. :whee!: :rakenrol:

  2. rho: As I have posted on the article above, I can’t always give a straight answer to “ok lang po ba” questions, as most of those can only be answered by the embassy. So please take my responses with a grain of salt.

    1. May mga nabasa akong dito nag-apply ng SK visa kahit OFW sila, pero hindi ko maalala kung saan ang departing country nila nung nag-Korea sila, kung dito sa Pinas o sa bansa kung saan sila nagta-trabaho.

    2. I don’t know, kasi sa requirements nila ‘original’ ang nakalagay sa COE.

    3. ‘Accompanying Family’, as the name suggests, refers to people who are actually related to you, either by affinity or consanguinity. Kung gusto mo ng magbigay ng hint na may kasama ka, isabay mo sa application mo yung sa fiancee mo (that is, assuming na kukuha rin sya ng visa).

  3. Thanks po Agent P for the quick response. :smile: Sorry sa pagtanung kung ng ‘Ok lang po ba’ na-overlook ko din ang nabasa ko :err: a :nailbite:

    About po pala sa second question.. Ang pwede ko lang po sana maipasa is ung copy ng employment contract instead po certificate of employment.kung may case na ganun kayu naencounter/nagtanung na sa inyo before.

    Thank you po talaga ulit sa time.. I really appreciate your blog and will keep reading for further updates. :)

  4. Natatakot din po kasi ako baka mamaya di nila tanggapin po ung kontrata at hanapan nila kami ng Certificate of Employment.. baka masayang yung pagpunta namin mangagaling pa po sana kami ng cavite. Thanks po ulit.. :whee!:

  5. Hi,

    Last Question nalang po. I have 2 ITRs for 2014 kasi po ibang employer po kasi yung Jan – Jul ko then Aug – Dec. Should I send them both? Do they need my COE for my previous employer since two ITRs naman po yung ibibigay ko. Thanks so much for your help

  6. Ma-an: You mean two Form 2316s, not two ITRs. Magkaiba ang ITR sa Form 2316. Since you have two employers for the year, you would not be qualified for substituted filing and your Form 2316 cannot be considered as a valid substitute for ITR. What you should do is to file an ITR at the BIR based on the two Form 2316s issued to you. Yung ITR na yun ang isa-submit mo sa embassy.

    More info: http://www.gov.ph/2014/04/01/who-are-required-to-file-income-tax-returns/

  7. Hi Agent P,

    But If I wish to submit my latest ITR po pde po ba yun? I mean nagend po kasi ako ng Jul for my previous employer then I started Aug for my latest Employer po. I thought po kasi its the 2316 we have to submit in the embassy. Thanks po

  8. Hi po! Ask ko lang.

    Family kami magtravel then kasama 2 pamangkin ko (minors), bale ung dad ko and their lolo are brothers.

    Last week nagsubmit na ako sa embassy and kinuha ung app namin 4 sa family then binalik ung sa kids. Need to submit a proof of relationship daw. Ang initially po kasi naprepare ko is birth cert, dswd travel clearance, cert of enrollment, affidavit of support (dad ko magfinance for them), and his finance docs. Tama po ba itong mga idadagdag ko na documents?
    – Birth cert ng dad ko and lolo nila to show na brothers sila
    – Marriage cert ng lolo and lola nila
    – Birth cert ng mom nila then marriage cert ng parents nila

    Then since nauna ung amin ung original bank cert nakaattach doon sa dad ko, hahanapan ba ako ulit pagbalik ko this week? Pwede ko po ba sabihin na refer na lang doon sa application namin? Nakaindicate naman sa lahat ng app form namin na kaming 6 ang magkakasama. Thanks!

  9. nagask kasi si window1 ng invitation letter sakin, hindi nya tinanggap docs ko, then tnry ko magsubmit sa window2, after mascreen ng koreana docs ko binigyan nya kgad ako ng claim stub without asking anything. Ako pa nagtanong kung ok na papers ko sabi nya ok na daw. Kaya mejo windang ako ngayon. Bukas na releasing ng passport ko eh. Hopefully with visa sticker.

  10. Donna: Hindi ako ang nag-screen ng docs ninyo so hindi ko alam kung sufficient na yan based on what they asked for. Pero para sa akin ok na yan.

    Since na-screen na dati yung docs, I think hindi na nila hahanapin yung original bank cert.

  11. Hi agent p! Very informative ang blog mo, thanks. Ask ko lang sana, gano po ba kaimportante yung passport number sa invitation letter. US army kasi sa korea yung husband ko. Ang isinulat nyang passport number ko sa invitation letter e yung dati kong passport number, i recently changed lang kasi ng status from single to married kaya naiba na yung passport number ko. Need ko pa ba mag pagawa ulit ng letter or pwede na yun pinadala nya, nasakin pa din naman yung old passport ko. Thanks

  12. Good day AgentP,
    EPS worker po ako. Last December 3,2014 po ako dumating sa Korea at sa kasamaang palad kenailangan ko bumalik sa Pinas sa kadahilanang nanganak at nabinat ang asawa ko. Nagpaalam po ako sa manager ko at pinayagan nman ako pero dalawang linggo Lang ang paalam ko. Last January 20 dumating ako sa Pinas, pero Hindi na ako nakabalik after 2weeks, hiningian nila ako ng resignation para makuha ko Yung last salary ko Kaya nagpasa ako. Lately nagPM sakin Yung kaibigan ko na kailangan nila ng tao and he asked me kung pwede ba raw ako. Ask ko Lang po pwede pa ba ako makabalik gamit ang current visa ko? Please…. any advice po…

  13. Hello, good day to you madam. :) We are 4 students who will travel without parents and we prepared the same set of documents each.

    Im just a little curious, we have submitted our documents for the visa yesterday, one of the applicants have OECD visa so she filed her application separately. After filing our applications, we found out that all of her prepared documents were collected by the consul (including the marriage certificate and the affidavit of support), unlike dun po sa mga first time travellers wherein the consul returned the marriage certificate of her parents as well as the affidavit of support. Do you have any idea po why such?

    May friend din po kami na nag apply ng tourist visa before us, and sadly her visa got denied with the reason ” The documents you have submitted cannot be verified” Do you have any idea po or a list which provides the probable reasons? She wants to troubleshoot the mistakes sana para ma approve na on her next filing.

    Thank you madam for answering., godbless. :)

  14. li: marriage certificate and affidavit of support are optional documents. If the consul feels that he/she is already satisfied with the basic documents, he won’t feel the need to still get the optional ones. It’s subject to the decision of the consul kaya hindi porke’t ganoon ang desisyon sa iyo, it follows na ganun din dapat ang desisyon sa friend mo.

    It would also depend on what exactly are in those documents. For example, if the parents will pay for the trip, hindi na kailangan ng affidavit of support kasi it already follows na magulang ang gumagasta para sa anak.

    Re: your second question, it’s possible that at least one of her basic documents had incorrect contact info, or had correct contact info pero walang sumagot noong kinontak ng embassy. Usually sa mga COE nangyayari yun. Pwede ring mali ang TIN na nakalagay sa ITR/Form 2316 na inattach nya.

  15. Hi Agent P,

    Magaapply po kasi ako this March so dun sa COE po kasi kailangan po email address. Nakapagrequest po kasi ako ngayon ibibgay na nakaindicate po kasi yung landline and website po ng company namin. kaso walang email Address. Ok lang po ba yun? Thanks po

  16. Ma-an: hindi ko po alam dahil hindi pa naman effective sa ngayon yung new guidelines kaya wala pang nakakasubok kung maghihigpit talaga sila sa requirements o hindi.

  17. Question po. Pupunta kami this april sa korea with our mother. Pano po kapag senior citizen? Wala na kasi sya ITR at COE since retired na sya. Enough na ba ang pension certificate from SSS?

  18. Ask ko lang po kasi yung hr nung company namin eh on leave. She went to the US e sya po yung nakapirma sa COE ko. Do you think her assistant will do? I passed the application today. Thanks!

  19. Agent P yung signatory po sa certificate of employment ko is leaving for a conference in the US sa Tuesday po i applied for a visa today so im expecting the embassy to call next week but she might not be here by that time. Do you think its a good idea if tawagan nmin yung embassy to tell them so they can do it before she leaves?

  20. Aj: as I’ve said, I think ang importante lang naman ay may sasagot sa contact info na ibinigay mo pag tumawag sila. Not necessarily yung signatory.

    Personally, I don’t think it’s a good idea to call. One, hindi naman lahat ng aplikante ay tinatawagan. Parang binibigyan mo pa sila ng reason para magduda sa ibinigay mong papeles. Two, it’s never a good idea for an applicant to tell the embassy what to do with your application.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

;) :yuck: :whoa: :whee!: :wall: :wacky: :tounge: :thumbup: :thumbdown: :think: :stretcher: :sshh: :spam: :soju: :smile: :sleep: :slaphead: :shutup: :shrug: :shock: :scholar: :sad: :rotflmao: :rolleyes: :roll: :razz: :rakenrol: :pray: :phew: :party: :oops: :offtopic: :nyenyenye: :nyenye2: :notalk: :nono: :neutral: :naughty: :nailbite: :mrgreen: :mic: :lol: :lmao: :kilay: :idea: :hug: :hopeless: :hmf: :hihihi: :grin: :glee: :flaming: :evil: :err: :ehh: :eek: :drool: :drool2: :dream: :dizzy: :dance: :cry: :confused: :clap: :cheer: :chair: :bop: :boinkself: :blink: :belat: :ayaw: :asar: :arrow: :angry: :angel: :ampotah: :alien: :aargh: :P :D :?: 8)

You can add images to your comment by clicking here.