Mema, No. 2.

(Apologies to my non-Pinoy readers, as I’ll be writing this in the vernacular.)

Pa-statement lang uli.

Hindi ko na papahabain pa ito. Simple lang naman eh.

Wala akong pakialam kung ano ang gawin nung dalawa sa personal nilang mga buhay. Kung sila, eh di sila. Kung hindi, eh di hindi.

Pero yung pakialaman ninyo ang TRABAHO nila, especially ni Alden… aba teka muna.

Yung hindi lang napagbigyan ang gusto n’yo boycott agad ang sigaw n’yo at mangangampanya pa kayo, hindi ko ata mapapalampas yan. Lalo na kung lagi ninyong sinasabi na FAN kayo ni Alden. :nono: Ang totoong fan, suportado ang artista sa mga CAREER decisions n’ya. Kung hindi ka agree at hindi mo kayang tumahimik (kagaya ko :hihihi: ), pwede namang i-express ang nararamdaman pero in a decent manner at hindi yung parang naghahanap ka pa ng damay. Masakit rin kasi para sa artista na malamang ang mismong fans n’ya, ikinakampanya pang huwag manood ng show n’ya. Kung hindi n’yo kayang gawin yan, might as well leave the fandom at the very least.

Yung laitin ninyo ang buong pagkatao ni Alden, sampu ng kanyang mga mahal sa buhay dahil lang sa hindi na-satisfy ang kilig ninyo, hindi na tama yan. Same goes with Maine, pero mas lenient ang fandom sa babae eh. Siya pwedeng lumabas kasama ng mga kaibigan n’yang lalaki, pero si Alden may makatabi lang sa picture katakot-takot na panlilibak ng pagkatao ang inaabot hindi lang n’ya kundi pati yung kung sino mang nakasama sa picture. May naging love interest lang sa show dahil ‘yon ang hinihingi ng role, halos isumpa n’yo na kahit ginagawa lang naman ang trabaho n’ya. Tama pa ba ‘yon? Gawi pa ba ng nasa tamang pag-iisip ‘yon?

I’ve said this many times before and I’ll say it again: Don’t let your fanaticism affect your personal life. Mga fans lang tayo. Mga tagapanood. Hanggang diyan lang dapat. Nagpakilig sila at kinilig ka naman, it means they did their jobs well. Kapag hinayaan mong diktahan ng pagiging fan ang buhay mo, masasaktan ka lang. Take it from me. Been there, done that. Kalaunan, pagtatawanan n’yo na lang ang sarili ninyo.

Things are not what they really are when it comes to showbiz. Kaya nga tinawag na SHOW BUSINESS eh. Kahit ilang beses pang sabihin ng mga artista na nagpapakatotoo sila, may certain limit pa rin yan na itinitira para sa personal nilang buhay. Bilang mga taga-hanga, wala tayong karapatan na manghimasok sa kung ano man ‘yon. Kung minsan, mas mabuti pa ngang wala na lang tayong alam.

PS: Some people might say that I had the nerve to say these things when I did the same thing to my Korean idol years ago. :think: First of all, I’m not sure if it’s the same thing. But if it is, eh kaya ko nga nasasabi ito. I’ve been there.

Facebooktwitter
rssinstagram

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

;) :yuck: :whoa: :whee!: :wall: :wacky: :tounge: :thumbup: :thumbdown: :think: :stretcher: :sshh: :spam: :soju: :smile: :sleep: :slaphead: :shutup: :shrug: :shock: :scholar: :sad: :rotflmao: :rolleyes: :roll: :razz: :rakenrol: :pray: :phew: :party: :oops: :offtopic: :nyenyenye: :nyenye2: :notalk: :nono: :neutral: :naughty: :nailbite: :mrgreen: :mic: :lol: :lmao: :kilay: :idea: :hug: :hopeless: :hmf: :hihihi: :grin: :glee: :flaming: :evil: :err: :ehh: :eek: :drool: :drool2: :dream: :dizzy: :dance: :cry: :confused: :clap: :cheer: :chair: :bop: :boinkself: :blink: :belat: :ayaw: :asar: :arrow: :angry: :angel: :ampotah: :alien: :aargh: :P :D :?: 8)

You can add images to your comment by clicking here.